2016 VICE PRESIDENTIAL RACE | Mga alegasyon ni dating Senador Bongbong Marcos ukol sa pagkawala ng audit log at mga basang balota, handang imbestigahan ng COMELEC

Manila, Philippines – Handang imbestigahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga inihayag ni dating Senador Bongbong Marcos kasabay ng manual recount ng mga balota sa 2016 vice presidential race.

Magugunitang sinabi ni Marcos na nawala ang audit log sa loob ng 38 ballot box at mayroong mga basing balota sa apat na box.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, seryoso nilang sisilipin ang mga alegasyon ni Marcos base na rin sa general instructions ukol sa pangangasiwa ng 2016 national at local elections.


Papasok sa section 29 ng general instructions ang mga alegasyon ni Marcos na sumasakop sa disposition ng Vote Counting Machine (VCM), ballot boxes, election returns at iba pang dokumento.

Facebook Comments