Manila, Philippines – Nadiskubre umano ng revisors ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na mayroong ilang hindi nagamit at sobrang balota na pre-shaded pabor kay Vice President Leni Robredo.
Pero hindi naman ito makumpirma ng mismong PET dahil isinasagawa ‘close door’ ang manual vote count sa mga balotang mula sa tatlong probinsyang bahagi ng electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Robredo.
Ayon sa source, ang mga pre-shaded o excess ballots ay nakuha sa mga ballot boxes mula sa Baao, Camarines Sur, isa sa tatlong probisyang ipinoprotesta ni Marcos na nagkaroon ng dayaan noong 2016 elections.
Giit ng kampo ni Marcos, magagamit bilang ebidensya ng pandaraya ang mga pre-shaded ballots.
Pero depensa naman ng kampo ni Robredo, ito ay mga rejected ballots na maling naipasok sa mga envelope para sa mga hindi nagamit na balota.