2016 VP RACE | Kampo ni VP Leni Robredo, iginiit na hindi kasama ang Iloilo City sa ballot boxes retrieval sa Iloilo province

Manila, Philippines – Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat isama ang Iloilo City sa retrieval ng ballot boxes mula sa Iloilo Province.

Kaugnay ito ng election protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa consultant ng legal team ni Robredo na si Emil Marañon III, ang nakasaad lamang sa protesta ni Marcos ay ang lalawigan ng Iloilo at ang Iloilo City ay hiwalay at independent mula sa probinsya.


Nais nilang mabigyang linaw ito sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Nabatid na nagsimula na ang retrieval ng higit 2,300 ballot boxes sa Iloilo province at 430 ballot boxes sa Iloilo City at idadala ito sa Balabago, Jaro para sa tuluyang ipadala ito sa PET headquarters sa Maynila.

Facebook Comments