2016 VP RACE | Law students mula Bicol, dumulog sa PET

Manila, Philippines – Nakakuha ng kakampi sa ilang law students mula sa Bicol Region si Vice President Leni Robredo

Ito ay matapos nilang igiit sa Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal o PET na gamitin ang 25% na threshold na shade ng mga balota sa 2016 Vice Presidential Race.

Nagsumite kanina ng liham sa SC ang mga nagpakilalang estudyante ng abogasya mula sa Bicol kung saan idinaan nila ito kay Associate Justice Alfredo Caguioa na siyang ponente sa kaso.


Nakapirma sa nasabing liham sina Paul Bryan Abante, Mary Joy Acobera at Alysa Mary John Abanes.

Nagpahayag ng pagka-alarma ang mga ito sa desisyon ng PET na gamitin ang 50% threshold sa manual recount para sa pagka-Bise Presidente.

Sinabi ng law students na nagtakda ang COMELEC ng 25% na minimum threshold sa pagbibilang ng mga balidong boto sa 2016 national elections at walang rason para baguhin ito ng PET.

Facebook Comments