Manila, Philippines – Welcome development para sa Malacañan ang pagsisimula ng manual recount ng mga boto sa Vice Presidential Race noong May 2016 elections.
Ayon kay Senior Deputy Executive Sec. Menardo Guevarra, ito ang pagkakataon para masagot at malinawan ang mga duda sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo laban kay dating Senator Bongbong Marcos.
Pero hindi aniya mangingialam ang Malacañan bilang paggalang sa Korte Suprema tumatayong Presidential Electoral Tribunal.
Matatandaang nakasentro ang recount sa 5,418 clustered precincts sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental na sa paniniwala ni Marcos ay mga lugar kung saan nangyari umano ang dayaan.
Facebook Comments