Manila, Philippines – Pinangunahan ng Supreme Court Public Information Office ang ocular inspection at pagpapasilip sa media sa pagdarausan ng manual recount sa SC, sa mga balotang kinukuwestyon ni dating Senator at Vice Presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Sa ocular inspection na inaprubahan ng Presidential Electoral Tribunal, pinakita rin sa media ang ballot boxes na ginamit noong May 16, 2016 elections.
Partikular na isasalang sa manual recount ang mga boto mula Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Mahigpit namang ipinagbawal ng PET sa ocular inspection ang live airing kasama na ang Facebook live at hindi rin pinayagang ipasok ang live transmission, gadgets at mga backpacks.
Isasagawa ang manual recount sa sa Court of Appeals sa April 2.