Manila, Philippines – Ngayong umaga nga ay naghain ng Motion for Reconsideration (MR) si Vice President Leni Robredo kaugnay sa isinasagawang recounting ng boto sa pagka-Bise Presidente noong 2016 election.
Sa labing isang pahinang resolusyon ng kampo ni Bise Presidente, inaapela nila na bilangin rin ng Presidential Electoral Tribunal ang mga boto kahit 25% lamang ang ginawang pag-shade ng mga botante sa oval o yung bilog na minamarkahan, katabi ng pangalan ng napiling botante.
Ito ay bunsod sa una nang naging desisyon ng PET na ang mga oval na mayroong 50% shaded lamang ang bibilangin sa isinasagawang recount sa kasalukuyan.
Base aniya sa paggamit ng 50% threshold ng PET, naapektohan na ang boto kay Robredo. Halimbawa aniya sa isang presinto sa Barangay Laganac, mula sa 358 na nabilang na boto noong 2016, bumaba ito sa 346 sa election return.
Ayon kay VP Leni kung ang gagamitint basehan ay yung ginamit noong May 2010 election kung saan ang mga botong bibilangin lamang ay yung mga 50% na boto, ay mawawalan ng saysay ang boto ng ibang mga botante.