2017 BAR EXAM | Resulta, ilalabas na sa April 26

Manila, Philippines – Ilalabas na ng Korte Suprema sa April 26 ang resulta ng 2017 Bar Examinations.

Ilalabas ang naturang resulta pagkatapos ng En Banc Session ng Supreme Court kung saan isasailalim muna ito sa deliberasyon.

Si 2017 Bar Exams Committee Chairman Justice Lucas Bersamin ang mismong mag-a-announce ng resulta ng pagsusulit.


Ang pangalan ng mga pasado sa Bar exams ay ipa-flash sa screen sa Supreme Court quadrangle at ipo-post din ito sa website ng Korte Suprema.

Mahigit anim na libong Law graduates ang sumailalim sa 2017 Bar Examinations.

Facebook Comments