Manila, Philippines – Magsisimula na ngayong araw ang 2017 bar examinations.
Mahigit 70,000 examinees ang inaasahang kukuha ng pagsusulit na gaganapin sa University of Santo Tomas (UST).
Naglaan ang Korte Suprema ng 10 sasakyan para sa bar takers sakaling maranasan ang hindi magandang lagay ng panahon.
Itatalaga ang mga bus sa Quezon Memorial Circle, marikina sports center at supreme court compound sa Maynila.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-iinom ng alak, 100 metro ang layo mula sa pagdarausan ng bar exam.
Facebook Comments