2018 AFC CUP | Global Cebu FC, target na makabangon kontra Bali United FC ng Indonesia

Manila, Philippines – Tatangkain ng Global Cebu FC na makabangon sa kanilang pagkakadapa sa Hanoi sa kanilang pakikipagtuos sa Bali United FC sa pagpapatuloy ng 2018 AFC Cup sa Rizal Memorial Stadium.

Ayon kay Global Cebu FC Head Coach Marjo Allado Crucial ang laban ng dalawang koponan mamayang ala-siyete ng gabi.

Kailangan ng Global na manalo para manatili ang pag-asa nito na umusad mula sa group play.


Para naman kay Team Captain Patrick Deyto, lahat ng laro sa group stage at mahalaga at gagawin lahat ng Cebuano Side ang kanilang makakaya para talunin ang Bali United FC mula Indonesia.

Facebook Comments