2018 ASIAN GAMES | Hidilyn Diaz pangungunahan ang Philippine Delegation

Ipapadala ng Pilipinas ang pinakamalaki nitong delegasyo sa nakalipas na labing dalawang taon para sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Indonesia.

Pangungunahan ni Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz ang Team Pilipinas na bubuuin ng 281 na atleta.

Kasama rin sa delegasyon ang pambatong boksingerong si Eumir Felix Marcial, sprinter Eric Cray, marathoner Mary Joy Tabal, triathlete Nikko Huelgas at Kim Manrobang, judoka Mariya Takahashi at gymnast Kaitlin De Guzman.


Balik din sa kompetisyon si dating BMX Asian Games champion Daniel Caluag.

Lalahok din sa quadrennial games ang Gilas Pilipinas na bubuuin ng ilang TNT Katropa player at Gilas Cadets.

Sasabak din ang women’s national volleyball team na pamumunuan ni team captain Abby Maraño at Alyssa Valdez.

Facebook Comments