Jakarta, Indonesia – Nadagdagan pa ang gold medal haul ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.
Nakuha kasi ni Ernie Gawilan ang kaniyang ikalawang ginto sa Para Games matapos manalo sa men’s 100 meter backstroke S-7 category sa GBK Aquatic Center.
Nagsumite ng 1 minute at 19.90 seconds si Gawilan para tumbla siya kay Daisuke Ejima ng Japan.
Nag-ambag naman ng bronze medal si Adeline Dumapong-Ancheta matapos pumangatlo sa women’s over 86-kilogram category.
Dahil sa panalo ni Gawilan, nakasosyo ngayon ang Pilipinas sa Hong Kong sa ikasampung puwesto sa overall standings.
May anim na gintong medalya na ang Pilipinas at Hong Kong.
Facebook Comments