2018 BANGABANDHU CUP | Bahadoran, pangungunahan ang kampanya ng Philippine Azkals

Balik na sa line-up ang isa sa mga pinakamagaling na scorer ng Philippine Azkals para pangunahan ang koponan sa 2018 Bangabandhu Cup sa Bangladesh.

Maglalaro na si Misagh Bahadoran matapos hindi makasama sa mga unang laban ng Pilipinas dahil sa injury.

Inaasahang magpapasiklab si Bahadoran para mapili sa binubuong koponan na sasabak sa AFF Suzuki Cup sa Nobyembre at sa 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates ni head coach Scott Cooper.


Ayon kay Azkals’ team manager Dan Palami, magsisilbing pagkakataon ng mga player ang torneo para maipakita kung bakit sila kailangan mapasama sa koponan na lalaban sa dalawang malalaking football competition sa Asia.

Bukod kay Bahadoran, balik din sa national team sina Angel Guirado, Hikaru Minegishi, Jerry Barbaso, Amani Aguinaldo, Marwin at Marvin Angeles, Kenshiro Daniels, Mike Casas, Ed Sacapano at Anton Del Rosario.

Magsisimula ang Bangabandhu Cup sa October 6 kung saan makakatunggali ng Azkals ang Laos sa opening game.

Ang top two sa kada grupo ang papasok sa semifinal round na gagawin naman sa October 9.

Facebook Comments