Manila, Philippines – Kukulangin pa din ang P2.5 bilyong budget na inaprubahan para sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 2018.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, hindi pa rin sapat ang pondo sa 2018 para sa pagtatayo ng mga karagdagang opisina at pagdagdag ng bagong agents.
Sinabi pa ni Aquino na nais sanang nilang hilingin na bigyan sila ng P5 billion na budget para makabili ng mga high-end equipment pero kalahati lang ang na-aprubahan.
Magkaganoon pa man, mas mabuti na raw ito kung ikukumpara sa 2016 budget na nasa P950 milyon lamang kung saan nasa P750 milyon rin ang nadagdag mula sa budget noong nakaraang taon.
Prayoridad din sa 2018 na ikalat sa mga key seaports at airports ang mas maraming mga tauhan ng PDEA.
Facebook Comments