2018 budget, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang 3.7 Trillion na budget ng pamahalaan sa susunod na taon.

Nasa 223 ang bomoto ng YES, 9 na NO, habang 0 naman ang Abstain sa House Bill 6215 O 2018 General Appropriations Act.

Mas mataas ang budget sa 2018 ng 12.4% kumpara sa 2017 National Budget.


Kabilang sa top 10 agencies na may pinakamalaking alokasyon ang Department of Education (567.562-B), DPWH (458.610-B), DILG (150.051-B), DND (134.543-B), DSWD (129.912-B), DOH (94.047-B), Dept of Transportation (55.479-B), DA (45.292-B), Judiciary (32.542-B) at DENR (29.371-B).

Nakapaloob din sa pambansang pondo ang para sa Build, Build, Build Program ng Duterte administration para buhusan ng alokasyon ang mga big ticket infrastructure projects.

Nakalagay din dito ang 40 Billion pesos na itutustos sa Free Higher Education sa susunod na taon.

Kasama na rin sa 2018 budget ang naibalik na pondo ng Commission on Human Rights 508M, National Commission For Indigenous People 1.1 B at Energy Regulatory Commission 390.5 M na noong una ay gusto lamang bigyan ng isang libong budget.

Kasama sa mga bumoto ng NO sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Buhay Rep. Lito Atienza, at ang pitong kongresista mula sa MAKABAYAN.

Samantala, bumoto naman ng YES ang mga taga oposisyon na sina Albay Rep. Edcel Lagman, Caloocan Rep. Edgar Erice at Akbayan Rep. Tom Villarin pero may reservation ang mga ito na siya naman nilang ipapaliwanag.

Facebook Comments