Pasok na sa last four ng 2018 French Open ang world number 1 na si Rafael Nadal.
Ito ay matapos talunin ni Nadal si Diego Schwartzman 4-6, 6-3, 6-2, 6-2 sa kanilang quarterfinal showdown na nasuspinde dahil sa ulan.
Dahil dito, dalawang panalo na lamang ang kailangan ni Nadal para maitala ika-labing isang French Open title nito.
Makakaharap niga sa semis ang isa pang Argentinian na si Juan Miguel Del Potro.
Tinalo ni Del Potro sa last eight ang Croatian na si Marin Cilic.
Facebook Comments