Manila, Philippines -Nanguna ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa mga universidad na mas gusto ng mga employers sa pag-hire ng mga bagong graduates.
Ito ay batay sa resulta ng “2018 Fresh Graduate Report” ng Jobstreet, kung saan tinalo ng PUP ang dating nangunguna na University of the Philippines.
Sa interview ng RMN Manila kay PUP President Dr. Emmanuel De Guzman – ikinatuwa nila ang nasabing report dahil mula sa pang 16th spot noong 2013 ay unti-unti na silang umangat.
Ayon kay Dr. De Guzman – ito ay bunga na rin ng mga pagbabagong ipinapatupad sa State University.
Bukod sa PUP, pasok din top 10 na mga eskwelahan na pinagkukunan ng empleyado ng mga kumpanya ang UP, Ateneo, UST, PLM, FEU, DLSU, TIP, University of San Carlos at University of Cebu.
Sa pag-hire ng mga bagong graduates, sinabi ng Jobstreet na tatlong qualities ang tinitignan ng mga employers, kabilang dito ang kagustuhang matuto, personal grooming, at kakayahang makipagtrabaho sa isang team.