2018, naging mabunga sa implementasyon ng responsible mining – DENR

Ipinamalaki ng DENR na naging mabunga ang 2018 pagsisikap nito na mailatag ang panimulang hakbang para gawing responsable ang industriya ng pagmimina sa bansa.

Ginawa ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pahayag sa year end report ng ahensya.

Iniulat ng DENR na nakapagpasara sila ng tatlong mining companies at nagsuspinde ng siyam na iba dahil sa hindi nakasunod na gawing environmentally sustainable ang kanilang operasyon.


Binalaan ni Cimatu ang mga nasuspending mining companies na tuluyang kakanselahin ang kanilang permit kapag nabigo na magwasto sa kanilang mga paglabag.

Sa ginawang review ng binuong technical teams sa may 26 na mining firms sa buong bansa, nabigo ang mga mining firms na ito na makatugon sa aspetong legal, teknikal, sosyal at environmental na itinatakda sa ilalim ng department order number 19 o ang bagong guidelines sa metallic mine operations.

Pinabibilis na rin ni Cimatu ang review ng mga aplikasyon sa minahang bayan para makalikha ng livelihood sa mga small scale miners.

Muling hinimok ni Cimatu ang mining sector na ibigay ang kanilang buong kooperasyon upang baguhin ang negagibong persepsyon ng publiko sa industriya ng pagmimina.

Facebook Comments