Manila, Philippines – Apat na probisyon mula sa 3.7 billion pesos na 2018 budget ang ivineto o ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte, na una na niyang nilagdaan noong nakaraang linggo.
Ang mga probisyong ito ay ang:
1.) Pagkakaroon ng monitoring expenses ng Movie and Television Review and Classification Board.
2.) Probisyong nagbabawal ng koleksyon sa pagpapanatali at pagbawi ng Philippine citizenship.
3.) Probisyon na nag-o-otorisa sa DePed na gamitin ang nakatabing pondo para sa maintenance at iba pang operating requirements para sa capital outlay requirements.
4.) Probisyon ng paggamit ng kikitain ng ERC para paigtingin ang operational requirements nito.
Ayon sa Pangulo, ay dahilan ng pag-vi-veto ay dahil ang ilan sa mga isinusulong na probisyon ay hindi nagtutugma sa mga nakatabing pondo, at ang iba ay isinusulong lamang sa pagnanais na ma amyendahan ang batas.