2018 NATIONAL BUDGET | Bersyon ng Kamara, ipipilit

Manila, Philippines – Sang-ayon si House Deputy Speaker Raneo Abu sa posisyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ilaban sa bicameral conference committee ang bersyon ng Kamara sa 3.7 Trillion 2018 budget.
Ito ay kaugnay na rin sa pagkaltas ni Senator Panfilo Lacson ng 50 Billion pesos sa pondo ng right of way sa ilalim ng budget ng DPWH.
Giit ni Abu, tiyak na makakaapekto ito sa Build, Build, Build program ng Duterte administration.
Nababahala ang kongresista na makokompromiso ang programang ito na magsasakatuparan sana ng marami at malalaking infrastructure projects sa bansa.
Inamin naman ni Abu na matatamaan ang kanyang lalawigan sa Bulacan sakaling matuloy ang gustong kaltas ni Lacson.
Nauna rito, nagbanta si Speaker Alvarez na makikipagmatigasan ang Kamara sa bicam para hindi na magalaw ang House version ng budget kahit pa mauwi ito sa reenacted na 2018 budget.

Facebook Comments