2018 propose national budget, ipi-prisinta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Dept. of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno na dadalhin na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong araw ng kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo 24 ang proposed 2018 national budget.

Ayon kay Diokno, magiging makasaysayan ito dahil mismong si Pangulong Duterte pa lamang unang makakagawa nito.

Aniya, nagkakahalaga ng 3.767 trillion pesos ang pambansang pondo para sa susunod na taon.


Paliwanag ng kalihim – kapag naaprubahan ang panukalang budget ay agad na maipapatupad ang mga programa ng administrasyon tungo sa kaunlaran.

Layon aniya ng pangulong duterte na palakasin ang work force para sa mga kabataang manggagawa.

Target ng Duterte Administration na makalikom ng 160 hanggang 180 billion dollars hanggang sa matapos ang termino ng pangulo sa 2022 para sa mga ipatutupad na programa.

Facebook Comments