Kaugnay ng selebrasyon ng 40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week, tinipon ng Maguindanao provincial government ang Persons With Disabilities (PWDs) mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan para sa 2018 PWDs summit.
Sa dalawang araw na summit ay iba’t-ibang aktbidad ang inilatag para sa PWDs na buong galak naman nilang nilahukan.
Sinabi ni Maguindanao 2nd District Board Member Datu King Yazzer Mangudadatu na binibigyang pansin at halaga ng provincial government ang kapanakanan ng PWDs bilang bahagi ng lipunan, anya marami sa mga ito ay talentado at may angking mga kakayahan na tunay nga namang maipagmamalaki.
Muli din naman hinikayat ni BM Mangudadatu ang LGUs sa Maguindanao na magkaroon ng mga opisina na madudulugan ng PWDs ng kanilang mga hinaing.
Maliban sa mga palaro ay nagkaroon din ng lecture kaugnay ng Gender and Development (GAD) on Women with Disability, TESDA trainings at iba pa.
Nabiyayaan din ng crutches, wheel chair at steel cane ang PWDs na nangangailangan nito, sa susunod na buwan naman ay maipapamahagi na ng pamahalaang panlalawigan sa ang hiniling na prosthetic limbs ng ilang PWDs.
Tema ng NDPR week ngayong taon ay “Kaalaman at Kasanayan para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran”.
2018 PWDs summit sa Maguindanao, matagumpay; Kapakanan ng mga may kapansanan, binigyang diin!
Facebook Comments