2018 SUZUKI CUP | Azkals makakaharap ang Powerhouse Vietnam

53

Isang pamilyar at matikas na kalaban ang makakaharap ng Philippine Azkals sa semifinals ng 2018 Suzuki Cup sa December 2 at 5.

Makakasagupa kasi ng Azkals ang Vietnam, ang number 1 football team sa South East Asia at ang group A winner ng torneo.


Nakapasok ang Azkals sa last 4 matapos maitabla 0-0 ang laban nila kontra Indonesia kagabi sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta.

Kahit tumabla, nakuha ng Pilipinas ang pangalawang puwesto sa Group B dahil sa dalawang panalo at dalawang draw para sa 8 points.

Group B winner ang Thailand War Elephants na may 10 points.

Sa home and away semis, maghaharap ang Vietnam at Pilipinas sa Bacolod City sa December 2 at sa Hanoi naman sa December 6.

Ang mananalo sa aggregate ay uusad sa finals.

Maghaharap naman sa kabilang last for series ang defending champion Thailand kontra sa Malaysia sa December 1 at 5.

Facebook Comments

From Advertisers