Uumpisahan na ng Philippine Azkals ang kanilang kampanya sa 2018 Suzuki Cup kontra Singapore mamayang alas-otso ng gabi sa Pana-ad Park and Stadium sa Bacolod City.
Pangungunahan nina team captain Phil Younghusband at Cardiff City goal keeper Neil Etheridge ang kampanya ng Pilipinas na makuha ang titulo ng torneo sa unang pagkakataon.
Bukod kina Younghusband at Etheridge, pasok din sa Azkals line-up sina Daisuke Sato, Iain Ramsay, Stephan Schrock, Patrick Reichelt, Mike at Manny Ott, Patrick Streuss, Carlie de Murga, Alvaro Silva, Luke Woodland, Curt Dizon, Jovin Bedic, Martin Steuble, Paul Mulders, Michael Falkesgaard, Patrick Deyto, Kevin Ingreso, James Younghusband, Adam Reed, Stephan Palla, Amani Aguinaldo at Jarvey Gayoso.
Ayon kay team manager Dan Palami, gagawin ng koponan ang lahat para malagpasan ang tatlong semifinal finish ng Azkals sa Suzuki Cup.
Mamayang gabi rin ang debut ni Sven Goran Eriksson bilang head coach ng Azkals.