World – May go signal na mula sa International Olympic Committee (IOC) ang nasa 400 Russian athletes para makilahok sa 2018 Winter Games sa February 9 na gaganapin sa Pyeongchang, South Korea.
Ayon sa IOC, pasado naman sa kanilang pagsusuri ang records ng mga manlalaro.
Matatandaang pinagbawalan noon ng IOC ang Russia na makibahagi sa anumang Olympic Games matapos na magpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na substance ang mga atleta nito.
Samantala, 22 North Korean athletes din ang pinayagang makibahagi sa torneo.
Limang sports ang lalahukan ng North Korea kabilang ang Figure Skating, Short Track Speed Skating, Alphine Skiing at Cross-Country Skiing.
Facebook Comments