2018 WORLD CUP | Switzerland tumabla sa Brazil

Russia – Maghihintay muna ng isa pang game ang Brazil bago tuluyan makabawi sa pagkatalo nila sa nakaraang World Cup Final.

Tabla lang kasi ang naging resulta ng unang laro ng Brazil kontra Switzerland, 1-all sa opening game nila sa 2018 World Cup sa Russia.

Unang ibinigay ni Philippe Coutinho ang lamang sa Brazil sa 20th minute pero kinansela naman ito ng goal ni Steven Zuber.


Naisalpak ni Zuber ang equalizer sa kaniyang header mula sa corner ni Xherdan Shakiri.

Dahil dito, naghati sa puntos ang dalawang koponan sa group E.

Nangunguna ngayon sa grupo ang Serbia na tinalo ang Costa Rica, 1-0 noong Linggo.

Facebook Comments