2019 Annual Poverty Indicators Survey, sinimulan na

Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2019 Annual Poverty Indicators Survey (APIS).

Ayon kay PSA Regional Director for Central Visayas Ariel Florendo – may itinalagang mga field interviewers o statistical researchers ang magbabahay-bahay para sa interview.

Ang magiging findings mula sa poverty indicator survey ay maaaring gamitin para ma-assess ang pamumuhay ng bawat Pilipino.


Inaalam sa survey ang demographics, education, economic, housing, access sa malinis na tubig at sanitation, kita at gastos ng pamilya at iba pa.

Ang impormasyon ay makakatulong sa gobyerno para pagbutihin ang mga programa laban sa kahirapan.

Ang survey ay gagamit ng Computer Assisted Personal Interviewing (CAPI).

Tiniyak ng PSA na ang lahat ng impormasyong makukuha sa survey ay confidential.

Facebook Comments