Manila, Philippines – hanggang ngayon ay hindi pa naisusumite sa malakanyang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 3.757 trillion pesos na 2019 national budget.
Base sa impormasyon mula sa Legislative Budget Research and Management Office (LBMRO), pinaplantsa at binubusisi pa itong mabuti ng technical staff ng Senado at Kamara.
Ito ay para masiguro na naipasok sa mga libro ukol sa 2019 budget ang mga amyenda na inaprubahan ng mga senador at kongresista sa bicameral conference committee.
Magugunita na bago magbreak ang session noong February 8 ay sinikap na mailusot sa Bicam at maratipikahan ng mataas at mababang kapulungan ang panukalang pambansang budget ngayong taon.
Facebook Comments