Manila, Philippines – Nakiusap si Senator Panfilo Ping Lacson sa Malakanyang na huwag ng ituloy ang balak na pagpapatawag ng special session sa susunod na linggo para maipasa ang panukalang 2019 national budget.
Idinaan ni Lacson ang apela sa pamamagitan ng mnifestation sa isinasagawang budget deliberations na sinasaksihan din ni Executive Secretary Medialdea.
Apela ni Lacson kay Medialdea, huwag i-endorso ang sakaling rekomendasyon ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa Pangulo na magpatawag ng special session.
Ikinatwiran ni Lacson na kahit magkaroon ng special session ay hindi na kakayanin ng kanilang katawan na tapusin ang pagbusisi sa mga pondo para sa Department of Tourism, Department of Public Works and Highways, Department of Justice, Ombudsman, Dept. of Health, Department of National Defense at Dept. of Interior and Local Government.
Nangako naman si Medialdea na ipaparating niya kay Pangulong Duterte ang hiling ni Lacson.