2019 budget siguradong dadaan sa malalim na pagaaral ng Office of the President

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na dadaan sa matinding pagaaral ang isusumiteng proposed budget ng Kongreso.

 

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na pipirmahan na niya ang proposed budget pero mayroon silang pagaalinlangan dito.

 

Matatandaan na kinontra kasi ng Senado ang paggalaw ng Kamara ng budget matapos itong dumaan sa ratipikasyon na ayon sa mga Senador ay unconstitutional.


Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung makikita ni Pangulong Duterte na ito ay umaayon naman sa saligang batas ay agad itong lalagdaan ng Pangulo.

 

Sakali naman aniyang may makitang unconstitutional ang Pangulo sa proposed budget ay gagamitin nito ang kanyang Veto Power o ibabasura ang isang probisyon ng proposed budget. Mas maganda aniyang hintayin nalang ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte ukol sa proposed 2019 national Budget.

 

Welcome naman aniya sa Malacañang na sa wakas ay natapos na ng Kongreso ang budget sa susunod na taon.

Facebook Comments