2019 budget, walang pa ring pirma ni PDuterte  pinag-aaralan pa ng DBM

Wala pa ring pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinumiteng 2019 National Budget ng Kongreso.

Ayon kay Finance Asec. Tony Lambino, pinag-aaralan pa ng Department of Budget and Management (DBM) ang naisumiteng kopya ng budget.

Aminado si Lambino na malaki ang epekto ng hindi pa rin nalalagdaang budget sa mga infrastructure project ng pamahalaan na maganda sanang masimulan ng Enero hanggang Marso dahil sa magandang panahon at infrastructure development.


Dahil dito, apektado rin ang projection sa job generation ngayong taon partikular para sa buwan ng Enero at Pebrero.

Bukod dito, naantala rin ang distribusyon ng pantawid pasada cash card na dapat sana ay mas malaki ngayong taon gayundin ang implementasyon ng universal health care programs.

Habang sa pagtaya ng NEDA, nasa 2.1% hanggang 2.8% reduction ang epekto nito sa economic growth ng bansa ngayong 2019.

Facebook Comments