2019 ELECTION | Bingbong Crisologo, Jopet Sison – naghain na ng COC

Hindi na muna idineklara ng PDP-laban QC ang kumpleto nilang line up sa pangambang gapangin ng kanilang katunggaling partido pulitikal.

Ito ang Inihayag ni District 1 Congressman Bingbong Crisologo kasabay ng pormal na paghahain niya kanina ng kaniyang COC sa Comelec.

Bitbit ni Crisologo ang kaniyang bagum bagong running nate na si Jopet Sison, dating konsehal at TV personality.


Si Jopet ang ipinalit ng PDP laban kay District 2 Congressman Winnie Castelo na una nang napaulat na umatras.

Mala piyesta ang mood sa Comelec na may kuntodo banda at may kasamang artista si Crisologo nang salubungin sila ng kanilang mga tagasuporta.

Facebook Comments