2019 ELECTION | Comelec, ipinaliwanag ang Omnibus Election Code sa isyu ng nuisance candidates

Manila, Philippines – Ang mga kandidato lamang na may layuning hiyain ang proseso ng eleksyon sa bansa o magdulot ng kalituhan sa mga botante ang maaaring ideklarang nuisance.

Ayon sa Comelec, ito ay base sa Section 69 ng Omnibus Election Code.

Inihayag ito ng Comelec bilang pagkontra pa rin sa panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na pagmultahin ng P50,000 ang bawat nuisance candidate.


Una nang inihayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maituturing na “discriminatory” ang nasabing panukala.

Facebook Comments