2019 ELECTION | Junjun Binay nakapaghain na ng COC

Makati City – Nakapaghain na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si dating Makati City Mayor Junjun Binay sa Comelec Makati.

Ito ay para sa posisyon ng pagka-alkalde.

Sinamahan si Junjun Binay ni Senadora Nancy Binay at ng kanyang sandamakmak na supporters na humihiling na muli itong maibalik sa serbisyo.


Sa kanyang talumpati, sinabi nito na ang kanyang pagtakbo ay hindi tungkol sa ano ang gusto niya o ano ang gusto ng kanyang ate o ano ang gusto ng kanyang pamilya bagkus ang kanyang pagtakbo ay tungkol umano sa kung ano ang nais na uri ng paglilingkod ng mga taga-Makati.

Sinabi pa nito na maraming humihikayat sa kanya mula sa ibat-ibang sektor at lider ng komunidad na tumakbong muli bilang alkalde dahil hinahanap nila ang nakasanayang “Binay brand” ng pangangasiwa noong siya at ang kanyang ama pa ang nasa city hall.

Inaasahan ding maghahain ng kandidatura ang kanyang kapatid na si Incumbent Makati City Mayor Abby Binay anumang oras mula ngaun sa kaparehong posisyon.

Facebook Comments