2019 ELECTION | No-Election, posibleng mangyari – Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Hindi ini-aalis ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang posibilidad na walang eleksyon na isasagawa sa 2019.

Ito ay kung matagumpay na magkakaroon ng transition ng gobyerno mula sa Federalism sa 2018.

Ayon kay Alvarez, kailangan niyang maging prangka at praktikal na malaki ang tsansa na walang halalan sa 2019 sa oras na matapos ang pagpapalit ng charter ng gobyerno mula sa unitary papuntang Federalism.


Ngayong Enero ay mag-coconvene ang Senado at Kamara bilang Constituent Assembly para ayusin ang charter sa Federalism.

Sa oras na matapos agad bago ang Barangay at SK Election sa May 2018, ay maaari na nilang isumite ang referendum at magsagawa ng plebesito kasabay ng barangay election.
Sakaling mangyari ito ay kakailanganin ng transition government at posibleng ma-extend pa ang posisyon ng mga nakaupo sa pwesto.

Pero, kumambyo naman si Alvarez na maaari pa rin namang isagawa ang mga scheduled election at saka susundin ang bagong Constitution sa ilalim ng Federalism.

Facebook Comments