2019 ELECTION | Pangangampanya sa social media, hindi ipagbabawal ng Comelec

Manila, Philippines – Hindi kasama sa pangangasiwaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kampanya ng mga kandidato sa social media.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang social media kasi bilang isang instrumento ng paglalahad ng personal na saloobin ay protektado rin ng konstitusyon.

Gayunman, maari aniyang bantayan ng Comelec ang mga bayad na online post o boosted post.


Sinabi pa ni Jimenez na malaya rin ang mga netizen na mangampanya para sa kanilang mga kandidato sa pamamagitan ng social media.

Ngayong araw, ipagpapatuloy ng mga kandidato ang paghahain ng Certificate of Candidacies (COCs) kung saan mula ngayon hanggang sa Miyerkules na lamang ang filing ng COCs ng mga kandidato.

Facebook Comments