Manila, Philippines – Nanguna si Special Assistant to the President Bong Go sa napipisil ng mga Davaoeño na maging senador sa 2019.
Base sa 2019 midterm election survey ng University of Mindanao – Institute of Popular Opinion (UM-IPO), 76% ng mga residente sa Davao City ay iboboto si Go bilang senador.
Ayon kay UM-IPO Assistant Vice President for Research and Publication Center, Dr. Ma. Linda Arquiza, bukod kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, iboboto ng mga Davaoeño si Go, sunod si BuCor Chief Ronald Dela Rosa na nasa ikalawang pwesto.
Ikatlo si Senadora Grace Poe, pang-apat si Taguig Representative Pia Cayetano, pang-apat si Senador Sonny Angara, at pang-anim si Senador Koko Pimentel III.
Nagpapasalamat naman si Go sa tiwalang ibinibigay ng mga taga-Davao at tiniyak na mas lalo silang magsisikap sa kanilang trabaho.
Inamin ni Go na ’50-50’ ang posibilidad na pagtakbo niya sa Senado.
Per muling iginiit ni Go na kahit wala siyang plano talagang kumandidato ay ipauubaya na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon.