2019 ELECTIONS | Comelec, aminadong hirap nilang mapigilan ang mga kandidatong maagang nangangampanya

Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na hindi nila mapipigilan ang mga kandidato sa 2019 elections na mangampanya bago pa ang simula ng campaign period.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, natanggal sa Republic Act 9369 ang rule sa premature campaigning o maagang pangangampanya.

Aniya, dahil wala pang campaign period ay walang pinagbabawal dahil free speech na maituturing ang ginagawa ng mga kandidato.


Nilinaw naman ng opisyal na ito ang dahilan kaya nais nilang maamyendahan ang batas.

Sabi ni Jimenez, tanging nagagawa lang nila ngayon ay ang shame campaign kung saan tinatawag nila ang atensyon ng kandidato na maagang nangangampanya.

Facebook Comments