Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa May 13, 2019 mid-term elections, binuksan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bidding para sa supply ng ballot paper at marking pen.
Sa ilalim ng invitation to bid na pirmado ni Special Bids and Awards Committee (SBC) Chairperson Thaddeus Hernan, nabatid na naglaan ang poll body ng P150.8 million para sa proyekto.
Ang pondo ay nakapaloob na sa budget ng COMELEC para sa taong 2018 General Appropriations Act (GAA).
Para sa ballot paper, nangangailangan ang COMELEC ng 2,610 rolls at sa marking pen naman ay 1,168,200 piraso.
Ang mga interesadong bidder ay kinakailangang nakakumpleto ng kontrata para sa kaparehong proyekto sa nakalipas na walong taon.
Ang deadline para sa pagsusumite ng bid ay pinalawig ng COMELEC hanggang August 24, 2018.