Manila, Philippines – Naglabas ng deadline ang Commission on Elections (COMELEC) para sa mga partylist group na kakandidato sa 2019 midterm elections.
Ayon kay James Jimenez- spokesman ng COMELEC, hanggang Abril 30 na lamang ang deadline para sa paghahain ng petition for manifestations on intent to participate ang mga bagong partylist group.
Sakop din ng naturang manifestations ang mga kasalukuyan nang rehistradong partylist groups, mga coalitions at organizations.
Dahil dito, pinayuhan ni Jimenez ang mga Partylist Group, rehistrado man o hindi na magsumite na ng kanilang mga manifestations upang maiwasan ang anumang abala.
Facebook Comments