Manila, Philippines – Umabot na sa 78 disqualification cases laban sa mga tatakbo sa 2019 midterm elections ang inihain sa Commission on Elections (Comelec).
Kabilang na rito ang disqualification case kay Sen. Koko Pimentel na inihain ni Atty. Ferdinand Topacio at ni dating interior secretary Mar Roxas laban sa isang Lemicio Jesus Roxas ng Partidong Katipunan ng Demokratikong Filipino.
Mayroon ring disqualification case ang inihain laban kay Sen. Loren Legarda na tatakbo bilang kongresista sa Antique.
Nakatakdang ilabas ng poll body ang pinal na listahan ng mga kandidato sa December 15.
Facebook Comments