2019 ELECTIONS | Ilang ng mga naghain ng kandidatura para sa pagka-Senador, umabot sa 152

Manila, Philippines – Eksakto alas 5:00 ng hapon kahapon, opisyal nang tinapos ng Commission on Elections ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Base sa tala ng COMELEC, umabot sa 152 ang naghain para sa pagka-Senador kung saan 21 lang ang babae habang 185 naman sa party-list.

Ayon kay COMELEC Commissioner Ma. Rowena Guanzon – naging mapayapa ang limang araw na COC filing.


Matapos ang paghahain ng kandidatura, sunod na gagawin ng COMELEC ang pagsala sa mga kwalipikadong kandidato.

Tiniyak naman ni Guanzon na dadaan sa due process ang mga naghain ng COC para malaman kung kwalipikado o panggulo lang ang isang kandidato.

Sa December 15, ilalabas ng COMELEC ang pinal na listahan ng mga kandidato habang sa november 29 naman ang deadline ng substitution ng political parties.

Ayon sa COMELEC – mahalaga ito para sa printing ng balota na sisimulan sa January 2019.

Facebook Comments