Manila, Philippines – Tinanggap na ni Magdalo Representative Gary Alejano ang pagtakbo sa pagkasenador sa may 2019 election.
Ayon kay Alejano, tinanggap na niya ang nominasyon ni Senator Antonio Trillanes IV, dahil kailangan ng bansa ang isang independent-minded senator na magsasalita para sa taumbayan, ipinaglalaban ang demokrasya at dinedepensahan ang soberanya at mga teritoryo.
Kasabay nito, nagpasalamat si Alejano sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Trillanes para kumandidato sa ilalim ng magdalo.
Mababatid naman na si Alejano maging si Trillanes ay kapwa kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments