2019 ELECTIONS | Nationalist People’s Coalition, handang isama si Special Assistant to the President Bong Go sa kanilang senatorial line-up

Manila, Philippines – Isasama sa senatorial candidates ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, handa nilang i-endorso si Go sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagkasenador sa 2019 elections.

Ani Sotto, hindi pa 100% na desidido si Go na tumakbo sa senado.


Humihingi pa aniya si Go ng ilang buwan para pagdesisyunan nito.

Bukod kay Go, kabilang sa isasama sa line-up ng NPC ay ang mga re-electionist na sina Senador Koko Pimentel, Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, JV Ejercito, Grace Poe at Cynthia Villar.

Ikinokonsidera ring isama si dating Senador Lito Lapid pero hindi pa siya nakakapagdesisyon.

Facebook Comments