2019 ELECTIONS | Pinatalsik na CJ Sereno, posibleng tumakbo sa Senado

Manila, Philippines – Posibleng tumakbo sa pagkasenador si ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa halalan sa susunod na taon.

Gayunman, ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno, hindi pa ito tiyak dahil lubos na pinag-iisipan ito ng dating Punong Mahistrado.

Aniya, iaanunsyo ni Sereno ang kanyang magiging plano oras na matapos na ang kanyang apela na humihiling na baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema ang quo warranto petition laban sa kanya.


Matatandaang ilang beses nang sinabi ni Sereno na hindi siya interesadong tumakbo sa halalan sa 2019.

Facebook Comments