2019 ELECTIONS | Source code review ng AES, tapos na

Natapos na ang international source code review ng automated election system (AES) na gagamitin sa May 2019 Midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, naghahanda na sila sa ‘trusted build’ process, na huling hakbang sa pagsasaayos ng software system na gagamitin sa halalan.

Aniya, sinusuri sa source code review ang iba’t-ibang components ng AES para tiyaking lahat ng functions nito ay gumagana at walang malisyosong instructions ang nakapaloob sa code.


Pagkatapos ng review, ikokonsiderang ‘trusted’ ang mga components.

Kapag na-review na ang mga components, i-a-assemble ito para bumuo ng kabuoang programa na hahawak sa AES, ang prosesong ito ay tatawaging ‘build’.

Mahalaga ang prosesong ito para sa kredibilidad ng sistema.

Facebook Comments