2019 FIBA WORLD CUP | Andray Blatche, nilinaw na kasama pa rin sa line-up

FIBA – Nilinaw ngayon ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes na kasama pa rin sa line-up si naturalized player Andray Blatche na lalaro sa ikalawang qualifying round ng 2019 FIBA World Cup.

Ito ay sa kabila ng mga lumutang na tanong matapos hindi isama ni Reyes ang pangalan ni Blatche sa Twitter post nito.

Ayon kay Reyes, ang tanging rason kaya hindi niya sinama ang pangalan ni Blatche dahil hindi naman daw niya inaasahan ang pagsali nito sa kanilang ensayo na mag-uumpisa sa Enero 8.


Hindi pa rin daw malinaw kung makakasali si Blatche sa magiging laban ng Gilas kontra Australia sa February 22 at Japan sa February 25 dahil napabalitang mayroon daw itong hamstring injury.

Facebook Comments