2019 MID-TERM ELECTION | Source code review ng automated elections para sa susunod na taon, binuksan na sa mga interesadong grupo

Mayroon na lamang hanggang ngayong araw ang mga interesadong grupo na magsumite ng pormal na kahilingan sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng pagnanais na mabusisi ang source code ng automated election system na gagamitin para sa 2019 Mid-term Elections.

Ang source code ay naglalaman ng human-readable instructions para sa pagbibilang at canvassing ng mga boto.

Partikular na isasalang sa pagbusisi ang sistema na nakapaloob sa optical mark reader o election machine, pati na ang sistema sa election management system at counting at canvassing ng mga boto.


Kasabay nito, tiniyak ng Comelec na walang mga nakatagong panuntunan o instruction sa pagpapagana ng vote counting machines.

Facebook Comments