Manila, Philippines – Balak ng Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa pa ng voter’s education seminars sa mga eskwelahan at unibersidad para hikayatin ang mga estudyante na makilahok sa 2019 midterm elections.
Nanawagan si COMELEC Spokesman James Jimenez sa mga school administrators at student group na magsagawa Know Elections Better seminar o #keb sa kanilang mga paaralan at unibersidad.
Handa aniyang makipagtulungan ang poll body sa mga educational institutions sa pagsasagawa ng #keb.
Ang mga request para sa #keb sessions ay maaring ipadala sa pamamagitan ng e-mail sa comeleceid.kebs@gmail.com.
Nitong 2017 unang inilunsad ang kebs kung saan target ang mga pre- at first time voters tulad ng senior high school at college students.
Facebook Comments