2019 midyear bonus ng mga pulis natatangap na

Natatatangap na ng mahigit na 195 libong mga pulis at mga non uniformed personnel ang kanilang 2019 midyear bonus.

 

Ito ay matapos na i-release ng PNP Finance Service ang aabot sa mahigit na anim na bilyong pisong pondo para sa legislated midyear bonus na katumbas ng isang buwang basic salary.

 

Pero bad news naman sa mga  pulis na may nakabinbing kasong kriminal at administratibo dahil wala silang matatangap na mid year bonus.


 

Sa Camp Crame simula kahapon  mahaba na ang pila ng  Landbank Camp Crame dahil sa pagwi widraw ng mga pulis at mga non-uniformed personnel.

 

Facebook Comments